Tuesday, March 11, 2008

Joy Ride

Ngayong araw na ito ang tinakdang tigil pasada o welga ng bayan ng iba't ibang transport groups di lamang sa Metro Manila kundi pati sa mga probinsya. Sa kabila nito ay hindi sinuspinde ang pasok ngayon sa Elementarya, Highschool at College. Naalala ko tuloy noong nag-aaral pa ako sa FEU sa may Recto kung saan madalas nagtitipon ang mga rallyista lalo na kapag may Welga ng Bayan. Magulo, Maingay at walang sasakyan, lahat ng tao naglalakad. Huli na kung isuspinde ang klase kaya naman naranasan kong lakarin ang kahabaan ng Espanya mula Recto hanggang Welcome Rotonda.

-----------------------------------------


Narinig ko sa balita kagabi na nangako ang MMDA na magtatala sila ng mga sasakyan para sa mga commuters at libre ang sakay dito. Totoo nga naman at may libreng sakay para sa mga pasaherong kailangan pumasok sa katunayan narinig ko sa isang Radyo na dito sa Monumento ay may 6x6 truck na nagpapasakay sa mga tao. Akalain mo?! Isang Truck?! Paano naman sasakay ang mga babae dito? lalo na yung mga nakapalda at nagoopisina? Naalala ko nanaman noong nag-aaral ako sa Fatima University sa Valenzuela, walang Welga o Tigil Pasada noon pero may bagyo at alam naman natin na umaabot hanggang leeg ang tubig kapag umaapaw ang Tulyahan River dun dahilan ng pagpigil sa mga bus at jeep na dumaan dun. Isang 6x6 Truck din ang nagpasakay sa aming mga estudyante at dahil desperado na kaming makauwi ay sumakay kami kesehodang nakapalda at nakaputi kaming uniporme. Nakakatawa kapag naalala ko ito dahil noong bababa na kami sa Monumento ay di na namin alam kung paano dahil sa taas ng Truck. Hindi rin namin maalala kung paano kami nakasampa at nakasakay dun... Isang pangyayari ito na marahil di lang ako ang nakaranas at sigurado akong sa araw na ito ay may mga makakaranas. Inaasahan ba ng gobyerno na matutuwa ang mga tao sa solusyong ginagawa nila tugon sa Tigil Pasada ngayong araw na ito? Bakit ba kailangan pang humantong sa ganitong pangyayari bago nila pansinin ang reklamo ng mga Transport Group?

1 ang Nagreact:

ruther said...

nakakaloka..ako and hour and a half naghintay ng bus... hihimatyin naman kasi ako sa fare pag nagcab ako mula shaw blvd. hanggang novaliches. LOL