Thursday, January 17, 2008

Buhay Amerika

This is just a forwarded email from a friend of mine. I find it interesting that's why I posted it here. Leave your comments after reading.

Akala ng mga tao na nasa Pilipinas kapag nasa America ka akala nila madami ka ng pera. Ang totoo, madami kang utang, dahil credit card lahat ang gamit mo sa pagbili mo ng mga gamit mo. Kailangan mo gumamit ng credit card para magka-credit history ka, kase pag hindi ka umutang o wala kang utang, hindi ka pagkakatiwalaan ng mga kano . Pag wala kang credit card, ibig sabihin wala kang kapasidad magbayad. Akala nila mayaman ka na kase may kotse ka na. Ang totoo, kapag hindi ka bumili ng kotse sa America maglalakad ka ng milya-milya sa ilalim ng init ng araw o kaya sa snow. Walang jeepney, tricycle o padyak sa America .. Akala nila masarap ang buhay dito sa America . Ang totoo, puro ka trabaho kase pag di ka nagtrabaho, wala kang pangbayad ng bills mo sa kotse, credit card, ilaw, tubig, insurance, bahay at iba pa. Hindi ka na pwedeng tumambay sa kapitbahay kase busy din sila maghanap buhay pangbayad ng bills nila. Akala nila masaya ka kase nagpadala ka ng picture mo sa Disneyland, Seaworld, Six Flags, Universal Studios at iba pang attractions. Ang totoo, kailangan mo ngumiti kase nagbayad ka ng $70+ para makarating ka dun, kailangan mo na naman ang 10 hours na sweldo mong pinangbayad sa ticket. Akala nila malaki na ang kinikita mo kase dolyar na sweldo mo. Ang totoo, malaki pagpinalit mo ng peso, pero dolyar din ang gastos mo sa America. Ibig sabihin ang dolyar mong kinita sa presyong dolyar mo din gagastusin. Ang P15.00 na sardinas s a Pilipinas $1.00 sa America , ang isang pakete ng sigarilyo sa pilipinas P40.00, sa America $ 6.50, ang upa mo sa bahay na P10,000 sa Pilipinas, sa America $1,000++. Akala nila buhay milyonaryo ka na kase ang ganda ng bahay at kotse mo. Ang totoo milyon ang utang mo. Ang bago mong kotse 5 taon mong huhulugan. Ang bahay 30 taon mong huhulugan. Ibig sabihin, alipin ka ng bahay at kotse mo. Madaming naghahangad na makarating sa America . Lalo na mga nurses, mahirap maging normal na manggagawa sa Pilipinas. Madalas pagod ka sa trabaho. Pag dating ng sweldo mo, kulang pa sa pagkain mo.

Pero ganun din sa ibang bansa katulad ng America . Hindi ibig sabihin dolyar na ang sweldo mo, yayaman ka na, kailangan mo ding magbanat ng buto para mabuhay ka sa ibang bansa. Isang malaking sakripisyo ang pag alis mo sa bansang sinilangan at malungkot iwanan ang mga mahal mo sa buhay.Hindi pinupulot ang pera dito o pinipitas. Hindi ako naninira ng pangarap, gusto ko lang buksan ang bintana ng katotohanan.



Anong say mo tungkol dito?

6 ang Nagreact:

tracy said...

Sis, sa totoo lang mas masarap ang buhay dito sa pinas kaysa sa ibang bansa. kahit na sabihin mo na isang kahig isang tuka tayo dito atleast hindi tayo alipin ng iba. :)

Pretty Life Online said...

yeah she's so right!!! also here in europe this is the usual life.... hindi niya na-i-sama ung "do it yourself things"... Have a nice day pretty girl!

Unknown said...

korekek...akala nila dahil nasa ibang bansa ka natutulog ka na sa bed of roses...malaki ang kita, malaki din ang gastos...
great post sis...

Anonymous said...

Ay naku Lorie tama ka jan. Ang brother and sister parehong nanjan sa US. Medyo hirap ang brother ko kase anjan ang buong family nya tapos yun nga kailangan intindihin ang bahay at kotse.

Sister ko lang ata ang nageenjoy jan kase nga single sya tapos ang laki ng salary. Dito kain tulog yun, pero jan trabaho talaga sya, kaya ayun naging super kuripot kase alam nya mahirap kitain hehe.

Kaya ako, ayoko jan... dito na lang ako sa atin, mahirap din pero nakakaraos naman hehe.

Unknown said...

hi sis! thanks for your vote and i won the mapiles best blog! thanks for the support that you gave...

binoto narin kita..ako ang pang 12. wish you luck! sana manalo karin para masaya..

Anonymous said...

This is So true!! :)