Taong 1986 noong unang nagkaroon ng People Power para mapatalsik ang dating Pang. Marcos. Bata pa ako noon at di masyadong nauunawaan ang mga kahulugan ng nangyayaring rebolusyon, tila ba walang pakialam kahit ano man ang maging kahihinatnan ng mga kaguluhan laban sa gobyerno. Basta ang alam ko lang ay isang tiwaling Pangulo ang pilit na pinaalis sa panunungkulan...
Taong 2001 noong nagkaroon ng pangalawang People Power (People Power 2) at tapos na ako sa kolehiyo ng mga panahong iyon. Nauunawaan ko na ang mga nangyayari base sa aking sariling judgement at paniniwala. Sa katunayan, isa ako sa mga naki-isa sa ralling ito na nagtagumpay sa pagpapatalsik kay dating Pang. Estrada...
Ngayong 2008, isa nanamang People Power ang nagbabantang mangyari dahil sa mga rebelasyon tungkol sa NBN-ZTE Deal. Iba't ibang kuro-kuro at opinyon ang ipinapahayag ng bawat indibidual, politiko man o ordinaryong mamamayan.Merong may gusto at may ayaw. Sawa na nga ba ang tao sa People Power? May mga nagsasabing oo at may mga hindi. Kadalasan pa ay kinukumpara ang mga People Power na naganap noon sa sitwasyon ngayon. Marami din ang nagmumungkahi ng kakaibang rebolusyon na mas matiwasay at maayos kaysa dati.
Ano nga ba ang People Power? Nauunawaan ba natin ito? Sa aking opinyon ito ay isang pagpapakita ng kapangyarihan ng tao, di lang ng isa kundi ng maraming taong nagkaka-isa sa isang layunin. Kung ikukumpara ang dahilan ng mga nakaraang rebolusyon, isang bagay lang ang aking nakikita at ito ay ang Corruption, isang sapat na dahilan upang mag-udyok sa mga tao na magkaisa at magpakita ng kapangyarihan laban sa katiwalian. Pagbabago ang kailangan at yun ang sinisigaw ng karamihan at sa aking palagay, pagkakaisa ang dapat na manguna upang malaman natin kung ano ba talaga ang dapat na solusyon sa krisis na pinagdadaanan ng ating bansa. Hindi ito panahon upang paglabanan at pagtalunan ang isang People Power. Ito ang panahon para mag-isip at kumilos ayon sa paniniwala at pinaglalaban. Kung sa palagay mo ay may tiwaling namumuno sa ating bansa ano pa ang ginagawa mo?
Kung magpapatuloy ang ganitong katiwalian, magsasawalang kibo ka na lang ba?
7 ang Nagreact:
great post sis..iniisip ko nga kung ano ang occasion pag feb.25..inisip ko na lang na baka bday ng friend ko...people's power nga pla...hehehehe...
Five years old lang ako noong 1986... Actually mag pa-five years old pa lang ako noong EDSA 1. Tulad mo, hindi pa ganu'n kamulat ang aking isip sa kung ano ang nangyayari.
2001, nasa college na ako... nasaksihan ko ang EDSA 2.
2008, kasalukyang taon, nagtatrabaho na ako... EDSA pa rin.
Sana... sa mga susunod na mga panahon, wala ng "EDSA." Maging maayos na ang gobyerno ng Pilipinas!
Sana nga Wendy, Let's be wise in choosing the right people to lead us next time para wala ng mga gulo gaya ng nanyayari ngayon. Charge to experience ika nga.
Madali rin kasing makalimot ang tao minsan, kung tutuusin pauli-ulit na lang naman ang kwento sa gobyerno. Talaga lang yatang kahit straight pa kapag natukso na sa milyon-milyon na easy money ay naliligaw na.
itong nakaraan na feb 25 ang theme song ay "let's get loud... lets get loud hehe,, puro ingay nalang ginawa nila diba
hehe hirap talaga pag dka blogger pinsan,, eto comment ko, theme song ng nakaraan na feb 25 eh "let's get loud" hehe
Hahahah! Gandang kanta nyan Kuya Arnel ah! Thanks for visiting my blog and spending time to leave your comment. Mwah! Mwah!
Post a Comment