Friday, February 29, 2008

Aba naman Gloria!

Nakakatawa dahil dinaraan na lang sa biro ng karamihan sa atin ang nangyayaring gulo ngayon. E kasi naman wala pa ring nangyayari kahit anong ingay at panawagan ang gawin ng tao. Kahit katotohanan lang ang mailabas e wala pa rin! Ay Sus!

Prayer of the Filipino People. . .
(FYI: nakuha ko lang po ito sa email ko)

ABA NAMAN GLORIA,
PUNO KA NA NG GRASYA
ANG YAMAN NG BANSA SUMAIYO NA.

SA HUSAY NI GARCI NAGING PEKENG PANGULO KA,
BUKOD KANG MANDARAYA SA BABAENG LAHAT
AT PINAGPALA DIN MANGURAKOT ASAWA MO'T ANAK

KAYA WALA NG NATIRA PARA SA. . . . .AMEEEEENNNNNNNN. . .

---------------------------------------------------------------------------------------------

Heto pa ang Kuwento tungkol sa Matalinong Apo ni Gloria.

Sa loob ng isang eroplano. . .

Gloria : Ano kaya kung maghulog ako sa bintana ng isang Tsekeng worth 1M pesos, at least may isang Pilipinong matutuwa. .

Luli : Mom, why not throw out of the window 4 cheques of 1M pesos each, at least there will be 4 Filipinos who are happy!

Apo ni Gloria : Grand Ma, why not throw yourself out of the window na lang, so that all Filipinos will be HAPPY.. . . . .

MATALINO NGA ! ! !. . . (Bwahahahahaha!). . . .

6 ang Nagreact:

Proud Filipina married to foreigner said...

hhahaha sis nakakatuwa naman ito inis din ako ky gloria...salamat sis for grabbing the award.

tawanan na lang kc si ate glo mahirap mapatalsik tuso yan eh.laking amerika hehhehee

Anonymous said...

hmmm... nag iisip ako kunwari ng comment... hmmm hehe meron check ko lang mga spelling hehe... hayaan mo sundutin ko mole nya para sayo hehe

rhon said...

walang katapusang eskandalo... kakalungkot... balikk ka ulit :)

redheadspeaks

Maria Justine said...

hay naku si Gloria walang puso saka conscience yan pati hubby nya..mga corrupt!!!kawawa naman ang Pinas...

Lisa said...

Kawawa naman ang bansa natin. Mga pangulo puro kurakot kaya hayun di na umasenso ang ating mahal na Pinas. What she's doing now, she'll answer it to the Lord on judgment day.
My Online Journal

Lorie said...

I strongly agree with all your comments!